DEBT PAYMENT NG PH LUMAKI

Bureau of Treasury

UMABOT sa P38.593 billion ang debt payment ng national government para sa buwan ng Setyembre kung saan mas mataas ang binayarang interest kaysa amortization, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa datos ng BTr, ang debt service ng gobyerno para sa Setyembre ay mas mataas ng 21.71 percent kumpara sa P31.707 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2017.

Ang interest payments ay nasa P32.675 billion habang ang amortization ay umabot sa P5.918 billion para sa naturang buwan.

“Interest payments made in September posted a rise of 23.7 percent compared to last year’s P26.397 billion, with growth also posted under amortization of 11.4 percent compared to the P5.310 billion reported in 2017,” ayon sa BTr.

“Local interest payments made by the government come in the form of Treasury bills at P1.095 billion for the month, fixed rate Treasury bonds with P13.762 billion, and Retail Treasury bonds at P8.895 billion, with a total of P23.752 billion. Interest payments made to offshore entities for the month amounted to P8.923 billion.”

Ang lahat ng amortization ay napunta sa foreign financial institutions para sa buwan ng Setyembre na nagkakahalaga ng P5.198 billion.

Mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, ang debt payments ng pamahalaan ay nagkakahalaga ng kabuuang P620.538 billion, mas mataas ng 6.45 percent kumpara sa P582.904 billion na naiposte sa kaha­lintulad na panahon noong 2017.

“Amortization payments made by the government for the period in 2018 of P349.211billion grew by 4.5 percent compared to the P333.934 billion in 2017, while interest payments for the nine-month period this year which totaled P271.327 billion also posted an expansion of 8.9 percent from the P248.970 billion recorded in 2017,” ayon pa sa datos ng BTr.

Nauna nang iniulat ng BTr na ang gross borrowings ng pamahalaan para sa buwan ng Setyembre ay pumalo sa P43.979 billion, na nagtulak sa 9-month financing efforts ng gobyerno sa P683.284 billion.

Ang gross borrowings para sa nasabing buwan ay tumaas ng 3.4 percent mula sa P42.501 billion na naitala sa kaparehong buwan noong 2017.  REA CU

Comments are closed.