HINILING ng isang kongresista sa mga bangko na luwagan ang panuntunan sa pagkuha at pagbabayad ng utang ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Ayon kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Henry Ong, ang mga mangingisda at magsasaka ang higit na apektado ang kabuhayan dahil sa matinding tag-init na nararanasan sa bansa.
Aniya, apektado ang harvest ng mga ito dahil na rin sa epekto ng El Niño kaya nararapat lamang na bigyan ng mga financial in-stitution ng kaluwagan ang mga ito sa pagbabayad ng kanilang mga utang.
Hiniling ni Ong na magkaroon ng condonation, debt restructuring at iba pang pamamaraan para mabawasan ang bigat para sa mga farmer at fisherfolk sa pagbabayad ng loan.
Noong nakaraang taon lamang ay apektado ang mga magsasaka at mga mangingisda sa pagtaas ng inflation at hirap din ang mga ito sa pagbabayad ng utang sa bangko.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, umabot na sa mahigit P5 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng El Niño phenomenon.
Ang tagtuyot at dry spell ay nagresulta sa pagkasira ng tinatayang volume na 276,568 metric tons (MT) ng bigas at mais mula sa 233,007 MT na naitala noong Marso 31. Lumaki rin ang pinsala sa agricultural lands sa 177,743 hectares na nakaapekto sa 164,672 magsasaka, mula sa 149,914 hectares at 138,859 magsasaka.
Ang mga naapektuhang rehiyon at kanilang mga probinsiya ay ang Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mt. Province; Ilocos Region: Pangasinan; Cagayan Valley: Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino; Central Luzon: Bulacan; Calabarzon: Batangas, Laguna, Rizal, Quezon; Mimaropa: Occidental Mindoro; Bicol Region: Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate; Western Visayas: Aklan, Antique, Iloilo, Negros Occidental;
Eastern Visayas: Biliran, Leyte, Northern Samar, Samar; Zamboanga Peninsula: Zamboanga City, Zam-boanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte; Northern Mindanao: Bukidnon, Misamis Oriental; Davao Region: Davao del Sur; SOCCSKSARGEN: Cotabato; at BARMM: Lanao del Sur, Magu-indanao. CONDE BATAC
Comments are closed.