DEC 2 IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING DAY

Idineklara ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang Dis­yembre 2 bilang special non-working day upang ipagdiwang ang Kutsitsa Festival sa Bonifacio, Misamis Occidental.

Ayon sa Proclamation No. 754 na may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binibigyan ng oportunidad ang mga residente sa bayan ng Bonifacio na magdiwang sa naturang kapistahan.

Ang Kutsitsa ay taunang pagdiriwang na ginagawa upang ipagdiwang ang mga charter anniversary ng bayan.

Makikita ang mga aktibidad kagaya ng kutsinta making contest, street dancing, food festival at mga beauty contest.

Ang naturang festival din ay nagbibigay ng turismo sa bayan ng Bonifacio at nagbibigay rin ng oportunidad sa mga lokal na mangangalakal.

Nagpapakita rin ang naturang pista ng pagkakaisa sa mga residente ng Bonifacio.

AP