TUMAAS ang inflation rate noong December 2024 sa 2.9% mula 2.5% noong November 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang press conference, sinabi ni National Statistician at PSA chief Undersecretary Claire Dennis Mapa na ang pagbilis ng inflation noong nakaraang buwan ay dahil sa pagtaas ng singil sa koryente, housing rentals, at presyo ng LPG, na bumubuo sa 56.2% ng pagtaas.
Samantala, ang pagtaas sa presyo ng transportasyon, na kinabibilangan ng gasolina, diesel at passenger transport by sea, ay nag-ambag sa pagbilis ng inflation noong December 2024 ng 46.9%.
Ang inflation para sa passenger transport cost by sea ay sumipa sa 71.9% mula 17.1% noong November, habang ang inflation para sa LPG ay umabot sa 7.8%.
“This [passenger transport cost inflation hike] is seasonal [in December where people travel for the holiday season]. The rental inflation is at 2.4% compared with 2.2% in November 2024. Of course, there are changes in contract [for renewal]. These include studio types, one bedroom, two bedrooms,” paliwanag ni Mapa.
“The good news is the inflation rate on rice is going down,” dagdag pa niya.
Ayon kay Mapa, ang rice inflation ay umabot lamang sa 0.8% noong December 2024, ang pinakamababa magmula noong January 2022.
Gayunman, ang inflation ng food and non-alcoholic beverages ay naitala sa 3.4%, mas mataas sa overall inflation rate na 2.9% sanhi ng mas mataas na inflation sa gulay, partikular ang kamatis, na may 14.2%.
Ang imeat and other parts of slaughtered land animals, partikular ang manok, ay nagtala ng 4.9% inflation, mas mataas sa December 2024 overall inflation rate.
Gayunman, ibinaba ng 2.9% inflation noong December 2024 ang annual average inflation rate ng bansa noong 2024 sa 3.2%, pasok sa target range ng pamahalaan na 2 hanggang 4%.
Ayon kay Mapa, ang mas mababang annual average inflation rate na 3.2% ay dahil sa mas mababang inflation para sa food and non-alcoholic beverages na bumaba sa 4.4% noong 2024 mula 7.9% noong 2023.