Ang December ay mula sa Latin word ‘decem’ o sampu. Sa Roman Calendar kasi, December ang 10th month. Binago ni Numa Pompilius ang kalendaryo nang madagdag ang January at February. Naging third month na lang ang March, at alam na ninyo ang iba pa.
Kilala tayong mga Filipino sa pagiging masayahin — na mas nabibigyang-diin kung December, dahil ito ang buwan ng kapaskuhan.
Sa huling buwan ng taon naisipan nina Baby Jean Evora at Dondie Tamboong na ganapin ang kanilang pagtataling-puso. Ito rin kasi ang birthday ni Baby Jean — December 10. Bukod pa dito, malamig kung December at napakagandang panahon sa honeymoon.
Isinabay nila ang kanilang kasal sa pagsasaya ng mga Filipino. December 1 pa lang kasi, may nangangaroling na. Ito talaga ang happiest event of the year: Pasko! Sabayan mo pa ng kasal — bongga!
Sabi nga ni Dondie:
In this world where everything is gambling, and is uncertain, finding a game-changer, taking a Queen and Ace at the same time in a random deck of card, is a gift. Five years ago I received mine and yesterday, I started to keep it always and forever. And that’s how I won. — Dondie Maestro
Ngayong Pasko ang magiging pinakamasaya niyang Pasko, hindi dahil ito ang panahon ng pagsasaya, kundi dahil kahit anong gawin niya, hindi niya mapigilang maging masaya.
Ngayong Christmas kasi ang simula ng pagdiriwang niya ng kanyang December of Love.
Nenet Villafania