SURIGAO DEL NORTE- NAGPASALAMAT at pinuri ni VP Sara Duterte ang mga Barangay health worker kahapon dahil sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap ayusin ang kalusugan ng mga tao sa komunidad ng lalawigang ito.
“I know your sacrifices and the difficulties you face in serving the communities — some of them, cannot be reach unless maglakad ka ng ilang oras o sumakay ng habal-habal,” ani Duterte sa ginanap na Barangday Health Workers Province Wide Convention sa Surigao Provincial Gymnasium.
“Kuyog ang opisyal sa barangay, kayo ang naging representante sa ating gobyerno sa mga komunidad sa kabukiran at iba pang dapit nga lisod sudlon, kasama ang mga opisyal ng barangay naging kinatawan kayo ng ating gobyerno sa mga komunidad sa kabundukan at iba pang lugar na mahirap pasukin,” ani VP Sara.
Kinilala rin ni Duterte na naging panauhing pandangal at tagapagsalita sa kaganapan, kung paano nagkusa ang mga BHW na turuan ang mga residente ng komunidad sa kahalagahan ng nutrisyon ng mga bata at mga hakbang sa pag-iingat laban sa iba’t ibang sakit.
Ibinahagi rin ni Duterte ang Office of the Vice President’s Medical and Burial (MAB) assistance project at ang pagkakaroon sa lalawigang ito ng OVP Surigao Satellite Office sa Tandag City.
Ang Caraga Medical Center, Surigao Doctors Hospital, Saint Paul Surigao University Hospital, Surigao Medical Center, at Surigao del Norte Provincial Hospital ay kabilang sa 343 pampubliko at pribadong partner na ospital at dialysis center ng OVP sa buong bansa.
“So far, our Satellite Office sa Tandag ay nakapagbigay ng 3,107 serbisyong Tulong Medikal, nag-isyu ng 496 na Guarantee Letters sa mga partner na ospital, at nagbigay ng tulong sa mga residente ng Mainit, Surigao del Norte,” diin ni VP Sara.
Ibinahagi din ni VP Sara ang proyekto ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) ng OVP, na nagbibigay-daan sa mga interesadong indibidwal na pamahalaan nang maayos ang negosyo at makatanggap ng panimulang kapital para sa kanilang gustong venture.
Nilalayon ng MTD na tulungan ang mga kababaihan at miyembro ng LBBTQI+ sa pamamagitan ng pagpapalaki ng kanilang pang-araw-araw na kita, na ginagawa silang may kapangyarihan sa ekonomiya at independyente. Isa ito sa mga flagship project ni Sara noong mayor pa siya ng Davao City.
Nanawagan din si VP Sara na siya ring Education Secretary sa mga magulang na tiyaking nasa paaralan ang kanilang mga anak, at protektahan sila mula sa kriminalidad, droga, insurhensiya at terorismo na maaaring sumisira sa kanilang mga pangarap at kanilang kinabukasan.
“Another call is to keep our children away from being seduced and recruited by the New People’s Army,” aniya.
Ibinahagi rin niya ang agenda ng matatag ng departamento sa pangunahing edukasyon na hinahasa ang mga bata na maging makabayan at maging produktibo, maaasahan, at holistic na mga haligi ng pagbuo ng bansa.
“Pinaagi niini, ating ginalantaw nga ang Pilipinas maging Bansang Makabata — o usa ka nasud nga gabarog alang sa kaugmaon sa kabataan (Through this, we envision that the Philippines will become a Youthful Nation — or a country that will stand for the future of children ),” pagtatapos ni VP Sara. ELMA MORALES