DEFENSE DEPT NAALARMA

data breach

LUBHANG nakaaalarma at isang malaking security concern ang ginawang pagtangay ng kompanyang kinontrata ng DFA para gumawa at magimprenta ng mga pasaporte ng mga Filipino.

Inihayag  ni Defense Secretary  Delfin Lorenzana  na banta sa national security ang nangyaring data breach.

Nakaalarma umano dahil personal na impormasyon ang hawak ng hindi pa tinukoy na kontraktor  katulad ng  pangalan, birthday,  at iba pang  impormasyon ng passport holder na maaring magamit  sa ilegal.

Nakikipag-ugnayan na ang DND sa DFA upang mabigyang linaw ang isyu at kung paano matutugunan ang masamang epekto nito.

Samantala, sinabi ni Chief Supt, Marni Marcos Jr., Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) director, hindi pa na-report sa PNP Cyber-Crime Division ang pangyayari pero aaksiyunan nila ito oras na idulog sa kanila.

Iginiit ni Marcos ang kahalagahan  ng proteksiyon ng personal na impormasyon ng isang indibidwal gaya ng nakalagay sa pasaporte at anumang paglabag ay sakop sa umiiral na batas ukol sa data privacy.

Pahayag naman ni  National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., “Dont speculate yet because there has been no known leak of data. It’s just that holders of the old machine – readable passports who are now renewing their passports have to resubmit some data. The new passports that they will get are e-passports with biometrics – the international standard.” VERLIN RUIZ

Comments are closed.