DEFENSE TIES PALALAKASIN NG PH, MALAYSIA

MAINIT na tinanggap ng Department of National Defense (DND) si His Excellency Mohd Yani bin Daud, Deputy Secretary General (Policy) ng Ministry of Defence ng Malaysia sa isang courtesy visit noong Nobyembre 15, sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Ang naturang pulong ay kasunod ng matagumpay na 11th Combined Philippines-Malaysia Defense Cooperation Committee (CCDC) Meeting na ginanap noong Nobyembre 14.

Pinangunahan ni Senior Undersecretary Irineo C. Espino ang delegasyon ng Pilipinas kasama sina Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito M. De Leon at Assistant Secretary for Logistics, Acquisitions and Self-Reliant Defense Posture Joselito B. Ramos.

Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng kooperasyong pang-depensa ng dalawang bansa, pagtugon sa mga isyu at pagpapalakas ng kakayahan sa depensa upang matiyak ang seguridad at katatagan sa rehiyon.

RUBEN FUENTES