HINIMOK ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Quezon City government na ibigay ang yearend incentive sa lahat ng mga empleyado nito.
Sabi pa ni Defensor, ang nasabing incentive na katumbas ng isang buwang sahod ay makapagbibigay umano ng dagdag na tulong sa mga city government employee na tulad ng marami ay nakaranas din ng paghihirap sa pinansiyal dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Aniya, ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nakakolekta ng P22 bilyon mula sa mga local tax nito noong 2020 at inaasahaang makakakolekta muli ng ganito ngayong taon, bukod pa sa bilyong alokasyon ng internal revenue na matatanggap mula sa national governent na bahagi nito mula sa pambansang buwis.
“Clearly, the city can afford the extra one-month salary, in addition to other incentives and compensation city employees are entitled to under the law,” sabi ni Defensor.
Giniit din nito na utang ng Quezon City ang financial stability nito dahil sa mga personnel at residente na nagbabayad ng kanilang buwis.
Kaya naman ani Defensor, ““It’s high time the city shows its appreciation to its workforce through an additional one-month salary grant.”
Samantala, kamakailan ay sinabi ni Defensor na tumatakbo sa pagkaalkalde sa lungsod at ng kanyang runningmate na si Councilor Winnie Castelo, ang P17 bilyong economic recovery package na direktang makapagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap at maliliit na negosyo, magpapaganda sa pandemic response, at makapagsasagawa ng mga bagong infrastructure projects.
Iminungkahi rin nito ang 5 porsiyentong discount sa lahat ng mga negosyo sa lungsod.