DEFICIT SPENDING TAASAN SA 2021

Albay Rep Joey Sarte Salceda

IMINUNGKAHI ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na maging bukas ang bansa sa paggastos sa 2021 sa kabila ng patuloy na pagbagal ng ekonomiya bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) umangat nang bahagya sa -11.5 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong third quarter kumpara sa -16.9% GDP noong second quarter ng taon.

Sa pagtataya ni Salceda, mapapanatili pa rin ang komplikasyon at mabagal na ekonomiya sa huling bahagi o fourth quarter ng taon dahil naman sa sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Pinaalalahanan ni Salceda ang mga economic manager na bantayan ang posibleng pagbaba sa kita at household savings kaya dapat na maging bukas sa direct at universal cash transfer.

Ibig sabihin, tataasan ang deficit spending sa 2021 upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-ikot ng ekonomiya.

Sinabi ni Salceda na maaaring manghiram muna sa mga future revenue kaakibat na maisasabatas ang mga tax proposal na nauna nang napagtibay sa Kamara at Senado.

Tiwala si Salceda na makababawi rin ang ekonomiya ng bansa dahil inaasahang makalilikom ng at kahit  P300 billion kada taon kapag naisabatas na ang mga tax measure nito.

Pinalalakihan din ng kongresista ang fiscal space sa SAP 3 sa ilalim ng 2021 budget para sa mga mahihirap na Filipino.   CONDE BATAC

 

Comments are closed.