DEGAMO KILLING KINONDENA NG MALAKANYANG

KINONDENA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kahapon ng umaga sa mismong bahay nito sa bayan ng Pamplona.

Nangako ang Pangulong Marcos na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat sa kanyang kapangyarihan upang madakip at papanagutin sa batas ang nasa likod ng pananambang kay Degamo.

““My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” sabi ng Pangulo.

Aniya ang imbestigasyon sa pagpatay kay Degamo ay mabilis na umuusad dahil marami na ang natanggap na impormasyon.

“The investigation into this murder is developing rapidly. We have received much information and now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,,” dagdag ng punong ehekutibo.

Binalaan din ng Pangulong Marcos ang utak ng pagpatay dahil hindi nito matatakasan ang batas kaya kaniya itong hinimok na sumuko na lamang.

Sa inisyal na mga ulat, nakikipag-usap si Degamo sa ilan sa kanyang mga nasasakupan na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa harap ng kanyang bahay sa Barangay San Isidro, Pamplona nang isang grupo ng mga armadong lalaki na sakay ng dalawang SUV, pinaputukan ng ilang beses ang gobernador, na tinamaan din ang ilan. mga bystanders.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na inutusan na niya ang Philippine National Police na magsagawa ng hot pursuit operations para agad na mahuli ang mga responsable sa krimen.

“We condemn in the strongest possible terms the senseless assassination of Governor Roel Degamo of Negros Oriental this morning at Brgy. San Isidro in the town of Pamplona of this province” sabi ni Abalos sa press statement.

“ Asahan ninyo na hindi kami titigil hanggang hindi nareresolba ang kasong ito gayundin ang iba pang insidente ng pananambang na nangyari sa mga nakalipas na araw We will quickly get to the bottom of this” giit ni Abalos.

Umapela rin si Abalos sa mga saksi na maaaring nasa lugar na pinangyarihan ng insidente na mangyari lamang na ilahad ang kanilang nasaksihan at makipagtulungan sa PNP para makamit ang hustisya para kay Gov. Degamo.

“Nakadeploy na ang mga puwersa ng Negros Oriental Provincial Police Office pati na ang mga pulis sa karatig na probinsya para galugarin ang bawat sulok ng lugar para agad na madakip ang mga kriminal,” ayon kay Abalos.
EVELYN QUIROZ