DEHADO ANG CAVS

OAKLAND – Tatangkain ni LeBron James na matamo ang pinaka-kamangha-manghang tagumpay sa kanyang makasaysayang career sa pamumuno sa Cleveland Cavaliers laban sa pinapaborang defending champion Golden State sa 72nd NBA Finals.

Ang 33-anyos na superstar ay umabante sa kanyang ika-8 sunod na finals kung saan binuhat niya ang Cavs sa buong NBA playoffs upang maisaayos ang kanilang ika-4 na sunod na finals meeting sa Warriors, kung saan sisimulan ang best-of-seven championship series sa ­Huwebes sa Golden State.

Ito ang unang pagkakataon sa North American pro sports history na ang dalawang koponan  ay maghaharap sa finals sa ikaapat na sunod na season.

Tutuldukan ng isang titulo ang sukdulan ng isang epic career dahil wala pang James-led finals club ang kasing dehado ng Cavs ngayon. Inilagay ng Las Vegas oddsmakers ang ­Warriors bilang pinakamalaking NBA Finals favorites magmula noong 2002.

“We have an opportunity to play for a championship. That’s all that matters,” wika ni James.  “We’ve been counted out for a long time this season. It’s a heck of an accomplishment for our ball club.

“No matter what the storyline is going to be, no matter if we’re picked to win or not, let’s just go out and play.”

Pinalakas matapos ang off-season trade ni star guard Kyrie Irving, ang Cavs ay nagkumahog at muling nagbagong bihis sa trade deadline, kung saan naiwan sina James at forward Kevin Love, kasama ang mga role player tulad nina outside shooters J.R. Smith at Kyle Korver at inside man Tristan Thompson.

“I switched my mindset at the trade deadline to ‘Let’s get the most out of this season I can,’ ani James.  “I’m trying to squeeze the most out of this orange to where there’s no more juice left.”

Comments are closed.