DEKADANG RIDO TINULDUKAN PARA SA BOL

BOL

MAGUINDANAO – KUSANG itinigil ng dalawang grupo ang kanilang labanan upang bigyang daan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Nagdesisyon ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) faction na pinamumunuan ni Commander Basur Sagan at ng special Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) personnel sa pamumuno ni Ernie Kalim na tapusin na ang sigalot sa pagitan nila alang-alang sa isinusulong na BOL.

Ayon kay Pandag Mayor Bai Zihan Mamalinta-Mangudadatu, hindi makakamit ang inaasam na kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar kung patuloy pa rin ang patayan sa pagitan ng magkatunggaling grupo.

Kailangan umanong pag-isahin ang mga Moro upang mahikayat ang iba pang mga armadong grupo na iwan na ang pakikipagbakbakan at suportahan ang isinusulong na gobyerno para sa kanila.

Dahil dito pumirma ang mga miyembro ng magkatunggaling grupo na wala ng bakbakan na magaganap at hahayaan na ring makapasok ang mga investor sa nabanggit na lugar.

Ang nasabing rido settlement ay pinangunahan naman ng 33rd Infantry Battalion at 6th Infantry Division Philippine Army. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.