DEKALIDAD NA SOLAR SOLUTIONS HANDOG NG SPECTRUM

ANG PAGGAMIT ng renewable energy ang isa sa solusyong nakikita upang labanan ang mga epekto ng climate change at isulong ang sustainability. Bilang isa sa mga bansang madalas dinadaanan ng mga bagyo at tinatamaan ng iba pang kalamidad, makikinabang ang mga Pilipinas sa pangmatagalang benepisyo na makukuha rito.

Dahil na rin sa angking likas na yaman ng bansa, malaki ang kakayahang makalikha ng kuryente mula sa renewable sources kagaya ng solar, wind, biomass, hydro at geothermal.

Isa sa mga pinakakilalang uri ng renewable energy ang solar energy na maaring mapakinabangan sa pamamagitan ng pagpapakabit ng mga solar photovoltaic (PV) panel sa bubong ng bahay o gusali.

Isa ang Spectrum, kumpanyang pag-aari ng Manila Electric Company (Meralco), sa unang naiisip ng mga naghahanap ng maaaring mag­hatid ng dekalidad na solar solutions sa pribado at pampublikong sektor.

Kaakibat ang husay, galing, at garantisadong ligtas na serbisyo ng ­Meralco, hatid ng Spectrum ang iba’t ibang uri ng solusyon at serbisyo na akma sa pangangailangan ng customer – maparesidential, komersyal, at industriyal man.

PAKIKIPAGTULUNGAN SA MGA NEGOSYO AT KOMPANYA SA PAGSULONG NG SUSTAINABILITY

“We recognize that the biggest businesses in today’s era are no longer just focused on driving profitability. We join businesses in their sustainability journey by offering renewable and accessible solutions that will help them maximize the benefits of solar energy,” pahayag ni Spectrum President at CEO Ferdinand O. Geluz.

Maraming negosyo, maliit man o malaki, ang pinipiling isulong bilang adbokasiya ang sustainability. Upang makamit ito, nakipagtulungan ang Spectrum sa mga kompanya mula sa iba’t ibang industriya gaya ng Maynilad Water Servi­ces, Inc., Ajinomoto Philippines Corporation (APC), PLDT Group, Wilcon Depot Inc., at Alphatech Development Corporation.

Kinuha ng Maynilad ang serbisyo ng Spectrum para sa 1-MW na solar farm sa pasilidad nito sa La Mesa Compound sa Quezon City.

Ang nasabing proyekto ay binubuo ng 2,592 na solar PV panel at inaasahang magreresulta sa humigit kumulang 10% na maititipid sa bayarin sa kuryente ng nasabing pasilidad kada taon. Bukod pa rito, inaasahang bababa ng 943.32 metric tons ang carbon footprint ng Maynilad.

Kabilang din ang Japanese multinational firm na Ajinomoto Co., Inc. (APC) sa mga kompanyang nagnanais isama sa operasyon ng negosyo ang sustainability. Bilang pakikiisa at pagkilala sa layunin ng kompanya, kinuha ng APC Group ang serbisyo ng Spectrum para sa kauna-unahang solar project nito sa planta sa Guiguinto, Bulacan.

Ang naturang solar project ay may kapasidad na 1 MW at makakabawas ng 865 metric tons na carbon emission ng kompanya, katumbas ng pagtatanim ng 1,950,523 na puno.

Hindi lamang mga taga-Luzon ang maaaring maging customer ng Spectrum. Kabilang sa mga proyekto nito ay ang solar installation sa mga opisina ng PLDT sa Visayas.

Inatasan ng PLDT ang Spectrum na gumawa ng solar PV installation na may kabuuang kapasidad na 483.9 kilowatt-peak (kWp) para sa mga opisina nito sa La Paz, Iloilo City; Bacolod City, Negros Occidental; Cebu City at Mandaue City sa Cebu; at Roxas City sa Capiz.

Ang Wilcon Depot, Inc. ay isa pa sa mga kumpanya na nagtiwala sa Spectrum. May kabuuang kapasidad na 1,306.46 kWp ang solar project para sa branches ng Wilcon sa Antipolo, Rizal; General Trias, Cavite; Tayabas, Quezon; Jaro, Iloilo; at Makato, Aklan.  Sa pamamagitan ng proyektong ito, maaaring umabot sa P5.15 milyon ang maititipid ng Wilcon kada taon sa bayarin nito sa kuryente.

Kamakailan ay pinasinayaan rin 856.80 kWp solar project ng Spectrum sa pasilidad ng Alphatech sa Guiguinto, Bulacan. Ito ang kauna-unahang proyektong solar sa planta ng Alphatech at makakatulong para makatipid ang kumpanya ng hanggang PhP3.3 milyon kada taon sa bayarin nito sa kuryente.

Ilan pang kompanyang kabilang sa listahan ng mga nagtitiwala sa husay at galing ng Spectrum ay ang City of Dreams of Manila, International Rice Research Institute, Shrinkpack Philippines, Toyota Motors Phils., PMFTC Inc., Avon Philippines, at Mitsubishi Motors Philippines Corporation.

SERBISYONG SOLAR NA HINDI LAMANG PARA SA MGA NEGOSYO

Karamihan sa mga customer ng Spectrum ay mga komersyal at industriyal na negosyo. Subalit, ang layunin ng Spectrum ay magbigay serbisyo sa lahat ng nagnanais makaranas ng benepisyo ng paggamit ng solar energy.

Noong nakaraang taon, inumpisahan ng Spectrum ang proyektong solar para sa lungsod ng Bacoor na may kapasidad na 66.36 kWp. Sa parehong taon ay inumpisahan din ang proyektong solar para naman sa Finance building ng lungsod ng Marikina na may kapasidad na 55.44 kWp. Layunin ng dalawang lungsod na magsilbing halimbawa para sa mga kapwa LGU.

Patuloy ang pagdami ng mga nakakakita sa kahalagahan ng paggamit ng clean energy. Bunsod nito, marami ang namumuhunan sa mga solar rooftop project, maging ang mga residential na konsyumer na nagnanais makatipid sa bayarin sa kuryente habang tumutulong sa pangangalaga sa kalikasan.

Sa tulong ng solar rooftop project ng Spectrum na may kapasidad na 9.24 kWp, bumaba ng 50% ang bayarin sa kuryente kada buwan ng pamilya ng environmental advocate na si Iliac Diaz. Sa loob lamang ng tatlong buwan na paggamit ng solar energy, bumaba sa P10,000 ang binabayaran ng mga ito sa kuryente mula sa karaniwang halaga na P21,000.

Hindi lamang para sa mga residential na customer na gaya ng pamilya ni Diaz ang serbisyo ng Spectrum. Ang kompanya ay naghahatid din ng serbisyo sa mga komunidad na nais ding gumamit ng solar energy. Noong nakaraang taon ay nagsanib-pwersa ang Spectrum at Gawad Kalinga sa proyektong solar na may kapasidad na 670 kWp para sa mga komunidad nito sa San Pedro at Sta. Rosa, Laguna kung saan may nakatirang 150 na pamilya.

Ang proyektong ito ay itinuturing na malaking panalo para sa mga komunidad ng Gawad Kalinga dahil inaasahang bababa ng 30% ang bayarin sa kuryente ng mga ito kada buwan.

Nagpadala rin ang Spectrum ng mga engineer at eksperto na magsasagawa ng teknikal na training sa piling mga residente sa lugar ukol sa pagpapagana ng system at pagpapanatili ng maayos na kondisyon nito. Sa ganitong pamamaraan, nakapagbigay rin ang Spectrum ng karagdagang pagkakakitaan para sa mga residente.

Mula 2016, ang mga proyekto ng Spectrum ay umabot na sa kabuuang kapasidad na higit 40 MW, at tinatayang nasa 98% nito ay mula sa mga komersyal at industriyal na customer ng kompanya.

Nasa 23,476.757 metric tons na rin ang carbon emission na naibawas ng mga proyekto ng kompanya. Ito ay katumbas ng naitanim na 2,409,108 puno.

“With sustainability at the core of Meralco’s business strategy and operations, the company aims to achieve its business objectives while protecting the environment and powering the good life for its customers. Spectrum is a testament to that. While we are committed to achieving market leadership in the solar power space, we also strive to foster a culture of sustainability and preserve the environment to ensure a better, brighter and greener future for the next generations,” sabi ni Geluz.