DELA ROSA KUMPIYANSA NA MALALAMPASAN ANG IMBESTIGASYON NG ICC

KUMPIYANSA  si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na kumpiyansa na malalampasan niya ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa usapin ng war on drugs.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) noong ipinatupad ang war on drugs sa administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

“’Pag nandiyan ‘yan, wala tayong magawa kundi harapin. Harapin ‘yan. I am very confident naman na malulusutan ko ‘yan kung kasama ako. Kasama naman ako sa subject ng investigation, di ba,” ani Dela Rosa.

“Harapin ko ‘yan, walang problema, kung makapasok ‘yan.”

Ngunit, iginiit ng mambabatas na hindi siya makikipagtulungan sa imbestigasyon kung hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas.

“Bakit ako mag-cooperate, bakit ako magbigay ng deposition, bakit ako magbigay ng counter-affidavit ko kung ating gobyerno nga ayaw makipag-cooperate sa kanila,” ani Dela Rosa.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon sa ICC para imbestigahan ang war on drugs.
LIZA SORIANO