DELAY SA NEW MIA PROJECT INALMAHAN

Sec Carlos Dominguez III-F

Bulacan LGUs duda sa motibo ng ‘pagharang’ ni Dominguez

PUMALAG ang local government units (LGUs) sa lalawigan ng Bulacan sa pagkakaantala ng ground-breaking ng $15-B New Manila International Airport project na nakatakda sana ngayong buwan dahil sa panibagong isyu umano na inilutang ni Department of Finance (DOF) Sec. Carlos Dominguez III.

Ayon sa mga LGU, malaking tulong ang pagbubukas ng itatayong international airport sa bahagi ng ka-nilang turismo, trabaho at kabuhayan kung kaya huwag sana itong harangin ni Dominguez.

Sa panayam ng PeryodikoFilipino sa ilang mayor sa Bulacan na nakiusap na huwag banggitin ang kanil-ang pangalan, nagpahayag ang mga ito ng pagdududa sa tunay na motibo ng pagharang umano ni Dominguez sa benepisyo ng modernisasyong ipapasok sa kanilang bayan.

Matatandaan na nito lamang nakalipas na Linggo, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nakabimbin sa Department of Justice (DOJ) ang concession agreement sapagkat may ilang isyu na kailangang linawin ang DOF, partikular na ang ‘wording at interpretation’ sa terms ng proyekto mata-pos makakuha ang San Miguel Corporation (SMC) ng notice to proceed noong Setyembre 18.

Sa kabila nito, umaasa si Tugade na matutuloy ang groundbreaking ceremony para sa inaasahang so-lusyon upang lumuwag ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at magkaroon ng solusyon sa patuloy na pagsikip ng paliparan.

Nitong nakarang taon, nagpahayag ng kaniyang ‘re­servation’ si Dominguez sa proyekto kung saan idi-nahilan nito ang New Clark City na may 55 kilometro ang layo sa pagtatayuan ng modernong paliparan.

Kamakailan naman ay napaulat na inilutang nito ang paglilinaw sa interpretasyon ng ‘material adverse government action’ (MAGA) at hangganan ng pananagutan ng gobyerno sa proyekto.

Ang MAGA ay sumasaklaw sa kompensasyon ng concessionaire sa pagkakataong magkaroon ng negatibong epekto sa proyekto ang aksiyon ng pamahalaan.

“Pinaghahandaan na namin ang pagtatayo ng international airport sa aming lugar. Excited kaming sumabay sa posibleng oportunidad na ihahatid nito sa aming bayan. Maging ang aming urban planning ay isinasaa­lang-alang na namin,” ayon sa isang lokal na opisyal sa unang distrito ng Bulacan na nakasasakop sa pagtatayuan ng mismong paliparan.

Samantala, inamin naman ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon S. Ang na delayed na ang groundbreaking ceremony at huli na sila sa schedule sa konstruksiyon ng NMIA dahil naka-hold pa ito.

Matatandaan na isinara ng DOTr ang Swiss Challenge matapos na walang ibang kompanya ang nagbigay ng alok upang itayo ang P735 bilyong bagong pa­liparan, maliban sa SMC kaya’ dito ipinagkaloob ang “Notice of Award” na nagpapahintulot na mamuhunan, magdisenyo, gumawa at magpatakbo sa NMIA.

Base sa disenyo ng NMIA na nauna nang inilabas sa media, ito ay may tatlong dobleng kapasidad kumpara sa NAIA. Lalatagan ito ng apat na runway kung saan kayang lumipad at lumapag ang apat na eroplano nang magkakasabay, walong taxiways, tatlong passenger terminal na may kapasidad na mula 100 hanggang 200 milyon kada taon. Mayroon din itong kapasidad na makapagparada ng aabot sa 240 na eroplano bawat oras at ikakabit dito ang 8.4 kilometrong expressway na lalabas sa North Luzon Ex-pressway (NLEX) sa bahagi ng Marilao, Bulacan.

Comments are closed.