DAVAO CITY – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan ang pagkansela sa lahat ng naantalang road projects.
Hinikayat din niya ang publiko na magsampa ng kaso laban sa mga contractor para sa anumang sakuna sa mga hindi natapos na road projects at tiniyak sa mga magrereklamo na tutulungan niya ang mga ito sa korte.
“If that [road] project fails, I will hold you, Secretary of the DPWH, answerable. If there is highway there has problem, and if the delay or slippage as we call it, is about 20 percent, I will cancel the contract,” wika ng Pangulo.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niyang mabahiran ng korupsiyon ang mga proyektong pang-imprastraktura, kabilang ang road constructions.
“I am making this policy statement now, because I have not seen any road in the Philippines that was finished on time but was always tainted with graft and corruption.”
“We will never progress, we will never develop,” aniya, at idinagdag na lagi na lamang nagiging problema kung paano mapo-protektahan at masisiguro ang tamang paggamit ng pera ng taumbayan sa mga proyekto.
“Every program of government ends up in investigation. Look at the [Department of] Health, beautiful in design,” sabi pa ni Duterte patungkol sa kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na sinisisi sa pagkamatay ng mga bata matapos maturukan ng bakuna ang mga ito.
Dagdag pa ng Pangulo, nagagalit siya kapag nakakakita siya ng mga kalsada na hindi kinukumpuni o minamantina gayong gi-nagamit ito ng publiko araw-araw.
“Many have fallen, many have died on the road projects,” wika ng Pangulo.
“Make it a criminal issue. If you fell or bumped in the unlighted, uncovered roads, you sue the government,” anang Pangulo, at sinabing posibleng manalo sa kaso ang magrereklamo. “You sue government and I will sue supervisor, and I will ask the Secretary to explain to me why it happened.”
“Somebody has to answer,” sabi pa niya. MANUEL T. CAYON
Comments are closed.