DELIBERASYON SA NOMINASYON NG DFA CHIEF SA CA SINUSPINDE

SISUSPINDE  ng Commission on Appointments (CA) panel ang deliberasyon sa nominasyon ni Enrique Manalo bilang Secretary of Foreign Affairs dahil sa limitasyon sa oras.

Si CA Majority Leader Luis Raymund Villafuerte ang gumawa ng mosyon para sa komite ng foreign affairs ng CA na suspindihin ang mga deliberasyon dahil kailangan pa ng bicameral commission na ipatawag ang plenaryo at magsagawa ng executive session gaya ng hiniling ni CA Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Ang mosyon ay pinangunahan ni Senator JV Ejercito.

Ang mga mambabatas ay nagdala ng mga isyu na nakaaapekto sa pagpapalabas ng pasaporte sa panahon ng pagdinig.

Ipinahayag din ni Senador Imee Marcos ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagdalo ni Manalo sa pagdinig sa organisasyon ng Senate foreign relations committee at ang pagkaantala sa pagsusumite ng posisyon ng DFA sa ilang bagay tulad ng Visiting Forces Agreement, Code of Conduct in the South China Sea, at Regional Comprehensive Economic Partnership.

Si Marcos ang namumuno sa komite ng ugnayang panlabas ng Senado.

“It is just my regret that we were unable to have the briefing the other day. I completely apologize for that, but it was honestly completely beyond my control, but I would have definitely come had these previous engagements not been there,” ayon kay Manalo.

“But certainly, to assure the chairperson that we have every intention of cooperating with your committee, and in fact, I want us to have open communication at all times,” dagdag pa niya.LIZA SORIANO