SINIMULAN na ng Kamara ang deliberasyon sa plenaryo ng P4.5-T 2021 national budget.
Si Appropriations Committee Chairman Eric Yap ang nag-sponsor ng House Bill 7727 sa plenaryo o ang panukalang National Expenditure Program sa susunod na taon.
Muli namang hinimok ni Yap ang mga kasamahang mambabatas na magkaisa at magtulungan para sa agad na pag-apruba sa pambansang pondo.
Ipinunto pa ni Yap na maituturing itong pinakamahalagang budget dahil ito ay pantugon din sa pagbangon mula sa epekto ng COVID-19.
Samantala, si Appropriations Vice Chairman at Albay Rep. Joey Salceda naman ang unang sumalang para depensahan ang pambansang pondo.
Sa pagtatanong ni Marikina Rep. Stella Quimbo, nakuwestiyon nito kung sapat ba ang P106 billoon na tulong para sa mga maliliit na negosyo sa bansa para makabalik sa operasyon.
Bagaman aminado si Salceda na kung titingnan ay hindi ganoon kalaki ang pondo para sa ayuda sa mga negosyo ay tiniyak na-man ng kongresista na may iba pang legislative measures at stimulus na mapagkukunan ang pamahalaan para sa pagbangon ng ekonomiya sa kabila ng pandemya.
Kabilang dito ang pagsasabatas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CRE-ATE), Public Services Act, Foreign Investments Act at Retail Trade Liberalization Act. CONDE BATAC
Comments are closed.