DELIVERY BOY PANALO SA PANAHON NG ECQ

delivery boy

ISANG grupo ng informal worker ang bumenta o naging patok nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at iba pang lungsod.

Ito ay ang mga delivery boy, gumamit ng motorsiklo o sasakyang may apat na gulong.

Dahil kasama ang food deliveries sa pinahintulutang makalabas o mag-operate, sila ang labis na namayagpag.

Ito ay sa kabila nang pangambang mahawa sa COVID-19.

Kaya nga tinawag din silang frontliner dahil nagsilbi sa taumbayan kahit mapanganib.

Kasama sa naging positibo sa panahon ng kahigpitan o lockdown ay si Ronnie, 22-anyos, working student.

Pagkain ang kanyang idini-deliver na para sa kanya ay mas marami siyang naging customer kumpara noong hindi pa ipinatutupad ang lockdown.

Aniya, noong una ay nangamba siya na walang oorder ng pagkain sa takot sa COVID-19, subalit kabaligtaran ng kanyang inaasahan.

Aniya, hindi siya nase-zero at sa katunayan, hindi lang para sa sariling pag-aaral niya nilalaan ang naipon sa panahon ng lock-down, kundi nakatulong din sa kanyang mga kapatid at magulang.

Nagpasalamat si Ronnie, dahil napatunayan niyang kahit ano pang bagyo ang dumating sa buhay, ang tao ay parang halaman na tutubo kahit ano pa ang mangyari.

Comments are closed.