NANAWAGAN ang ilang ranking officials ng House of Representatives para sa aktibo at sapat na paghahanda ng pamahalaan hinggil sa inaasahang pagdating sa bansa ng milyong-milyong dosage ng COVID-19 vaccines, partikular na ang maingat na delivery, handling at distribution ng naturang pinakaaasam na bakuna.
Payo ni Deputy Speaker at Surigao del Sur 2nd Dist. Rep. Johnny Pimentel, ngayon pa lamang ay alamin na ng gobyerno ang lahat ng private at public cold chain logistics providers upang matukoy kung alin sa mga ito ang maaaring gamitin sa pag-iingat ng darating na anti-COVID 19 vaccines sa bansa.
“The vaccination of an initial batch of 35 million Filipinos is bound to call for the mobilization of a wide-range of cold storage assets — from temperature
— controlled refrigerated trucking services to ample supplies of dry ice,” sabi ni Pimentel, na isang COVID-19 survivor.
Ayon sa American pharmaceutical giant Pfizer Inc., na katuwang ng German biotech firm BioNTech SE sa pagtuklas ng bakuna, mayroon na itong nagawang distribution containers na magpapanatili sa vaccine sa kinakailangang negative 70 degrees Celsius na temperatura sa loob ng 10 araw.
Ang distribution containers na ito ay maaari rin umanong magamit bilang ‘temporary storage’ sa isang vaccination facility, gaya ng ospital, sa loob ng 30 araw, na kinakailangan lamang na malagyan ng dry ice kada limang araw.
“Once thawed, the vaccines can be stored in a refrigerator at two to eight degrees Celsius for up to five days,” sabi pa ng nabanggit na international drug firm.
Kaya naman iginiit ni Pimentel na ang ilulunsad na COVID-19 immunization campaign sa bansa ay nangangailangan ng kumpletong talaan ng cold chain logistics solution facilities, kasama ang privately-owned, na maaaring makatuwang sa pamamahagi ng vaccines.
“The logistical challenge is enormous, considering that everybody will need two shots of the vaccine at an interval of 19 to 42 days,” ayon pa sa House Deputy Speaker. ROMER BUTUYAN
Comments are closed.