ISABELA – ISINISI sa sama ng panahon kung bakit na-delay ang pagdating ng 100,000 bags ng bigas ng National Food Authority (NFA) para sa Region 2.
Ayon kay Regional Director Mario Gonzales ng NFA-Region 2, tatlong truck pa lamang ng NFA rice na umaabot sa 1,750 bags ang dumating para sa mga taga-Cauayan City, Santiago City at Roxas, Isabela.
Bago aniya nila ipamahagi ang mga NFA rice sa mga outlet sa pamilihan ay hihintayin pa na makompleto ang pagdating ng 100,000 bags sa rehiyon.
Ang nasabing bulto ng bigas ay bahagi ng unang 250,000 metric tons na in-import ng pamahalaan.
Ayon pa kay Gonzales, kapag gumanda na ang lagay ng panahon ay maaari nang maibaba mula sa barko ang mga bigas upang madala sa nasabing lugar. PMRT
Comments are closed.