MULING nagpapaalala si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa food delivery riders na palaging sumunod sa minimum public health standards (MPHS).
Ito ay matapos na makarating ang mga sumbong sa PNP na may mga rider na hindi nakasuot o hindi tamang magsuot ng facemask habang pini-pick up sa restaurant ang order ng mga customer o kaya’y naninigarilyo sa waiting area.
Dahil dito, inatasan ni Eleazar ang chiefs of police at station commanders na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga local government unit at pati na rin sa mga manager ng business establishment upang mahigpit na maipatupad ang protocols laban sa COVID-19.
Bilin naman ni Eleazar sa mga pulis na maging magalang at obserbahan ang Maximum tolerance sa pagsita sa mga rider na lumalabag sa Health protocols bilang konsiderasyon din sa hirap ng kanilang trabaho.
Nanawagan din si Eleazar sa mga mamamayan na agad na iparating sa PNP sa pamamagitan ng E-sumbong ang mga larawan at video ng makikita nilang paglabag sa mga Health protocols para agarang maaksyunan ng mga pulis. EUNICE CELARIO
130904 431214Fantastic post, I conceive web site owners should larn a good deal from this site its very user friendly . 254956
840123 672145This is such a terrific resource that you are offering and you supply out at no cost. I appreciate seeing sites that realize the worth of offering a perfect beneficial resource entirely no cost. I genuinely loved reading your submit. 860607
301646 874833The article posted was extremely informative and helpful. You people are performing an excellent job. Keep going. 719787