NAGSUBI si Filipino karateka James delos Santos ng dalawa pang gold medals makaraang madominahan ang dalawang online competitions kamakailan, kabilang ang Sportdata e-Tournament World Series.
Unang naghari si Delos Santos sa Hatamoto Kai Mitad Del Mundo E-Tournament kung saan ginapi niya si Alves Murilo ng Brazil sa finals para sa ika-9 na ginto sa isang virtual event.
Nakopo niya ang kanyang ika-10 titulo nang talunin si Portuguese rival at world No. 1 Eduardo Garcia sa finals ng SportData event.
“This tournament meant even more when I advanced to the final round against my rival. This is the fourth time I’ve faced him in a final showdown. I gave everything I had, and ended up snagging my 10th Gold Medal,” sabi ni Delos Santos sa Instagram.
Sa mga panalo ay lumapit ang 2-time Southeast Asian Games gold medalist sa ibabaw ng world’s men’s virtual kata rankings.
“My road to no. 1 still continues. I won’t stop until I get there,” aniya.
Base sa world men’s virtual kata list, si Delos Santos ay may kabuuang iskor na 7105 habang si Garcia ay may 8125 points.
Bago umabante sa Hatamoto final ay nalusutan ni Delos Santos ang mga katunggali mula Ecuador at Belgium.
Sa SportData, nadominahan niya ang mga kalaban mula Norway, Dominican Republic at Ireland, bago naisaayos ang duelo kay Garcia.
Comments are closed.