DELTA PINAKA-COMMON NA VARIANT NG COVID

ANG  mas nakahahawang Delta variant ang siya nang pinaka-common na variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay ng pag-uulat na nakapagtala pa ang DOH ng karagdagang 319 bagong kaso ng Delta variant sa Pilipinas nitong Setyembre 18, 2021.

“This (Delta) variant is now the most common lineage among sequenced samples as of the latest whole genome sequencing run,” ayon kay Vergeire, sa isang online press briefing.

Nabatid na dahil naman sa naturang mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 3,027 o 24.16% ng total 12,530 sequenced samples, ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa Pilipinas.

Nalampasan na nito ang Beta variants na nakapagtala lamang ng 21.82% o 2,734 ng sequenced samples at ang Alpha variants na nasa 19.64% o 2,461 kaso naman.

Nasa dalawang kaso o 0.02% ng mga samples ang nagpositibo sa Gamma variant habang isa naman ang Lambda variant.

Anang DOH, sa 319 bagong Delta variant cases, nasa 18 returning overseas Filipinos (ROFs) at ang iba pa ay mga local cases.

Ang 40 sa mga ito ay mula sa Region 2; 31 mula sa Caraga; 26 mula sa Calabarzon; 24 mula sa National Capital Region (NCR); at 24 din mula sa Region 1.

Sinabi ng DOH na sa pinakahuling sequencing na kanilang isinagawa, siyam lamang ang Beta variant cases at 13 naman ang Alpha variant cases.

“The increased proportion of these variants can be attributed to their increased transmissibility. However, sampling methodology also affects these proportions as samples from target areas or populations are prioritized more,” paliwanag naman ni Vergeire.

“Such populations or areas include samples belonging to clusters, severe or critical cases, admitted cases, samples from areas with sudden increase in COVID-19 cases, fully vaccinated individuals, and cases from returning overseas Filipinos. Infections from these populations are more likely to be associated with variants of concern,” aniya pa. Ana Rosario Hernandez

158 thoughts on “DELTA PINAKA-COMMON NA VARIANT NG COVID”

  1. 251276 923122Directories such given that the Yellow Websites need to have not list them, so unlisted numbers strength sometimes be alive more harm than financial assistance. 883225

  2. I loved as much as you will receive carried out right here. The sketch is tasteful, your authored subject matter stylish. nonetheless, you command get bought an edginess over that you wish be delivering the following. unwell unquestionably come more formerly again since exactly the same nearly very often inside case you shield this hike.

Comments are closed.