INIULAT ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 148 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Region 4A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).
Batay sa ulat ng DOH-Calabarzon Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), nabatid na pinakamaraming naitalang kaso ng Delta variant ang lalawigan ng Laguna na mayroong 48 Delta variant cases, sumunod ang Cavite na may 44 kaso; Rizal na may 33 kaso; Batangas na may 15 kaso; at Quezon na may walong kaso naman.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, sa naturang 148 Delta Variant cases, apat ang fully vaccinated, 13 ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna, 58 ang hindi bakunado at 81 ang biniberipika pa kung bakunado na o hindi pa.
Aniya pa, 102 sa mga ito ang local cases, 24 ang returning overseas Filipino (ROF) at 22 ang for verification pa kung local case of ROF.
Iniulat rin naman ni Janairo na sa ngayon ay wala nang aktibong Delta variant cases sa rehiyon. “We have 56 recoveries and only 2 deaths recorded,” aniya.
Kaugnay nito, muli rin namang nagpaalala si Janairo sa publiko na magpabakuna na sandaling magkaroon ng pagkakataon upang magkaroon ng proteksiyon laban sa COVID-19, partikular na sa mga variants of concern nito.
“Napakaimportante na tayo po ay mabakunahan para magkaroon po tayo ng karagdagang proteksyon laban sa virus. Sa datos po ay makikita natin na mas maraming nahahawa na hindi nabakunahan kaya nananawagan po kami sa mga hindi pa nabakunahan na magparehistro na po sa inyong mga LGU upang mabigyan ng bakuna,” payo pa ni Janairo.
Nabatid na sinimulan na rin ng regional office ang “Project DELTA” o Detect Early Local Transmission through Antigen Testing) sa lahat ng mga lalawigan na may Delta variant cases upang agad na mapatigil ang pagkalat ng virus sa komunidad.
Batay sa datos, hanggang Agosto 17, 2021, nakapagtala pa ang rehiyon ng 2,929 bagong kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroon nang 230,599 kaso ng COVID-19 sa rehiyon, kabilang dito ang 22,004 active cases, 201,670 na nakarekober at 6,925 na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa sakit.
“Rest assured that the regional office together with the local government units are working together to prevent the further spread of the Covid virus in the region. Continue to follow community health protocols, stay at home, stay safe and get vaccinated!” ayon pa kay Janairo. ANA ROSARIO HERNANDEZ
927522 791398Hey man, .This was an exceptional page for such a hard topic to talk about. I look forward to reading several a lot more excellent posts like these. Thanks 305648
42253 425348Currently it seems like BlogEngine will be the finest blogging platform out there correct now. (from what Ive read) Is that what you are utilizing on your weblog? 591540
823230 69767Cool text dude, maintain up the very good work, just shared this with the mates 740025
589235 513665Quite great written article. It will be useful to anybody who usess it, including myself. Keep up the great work – canr wait to read more posts. 57266
555155 454564Properly written articles like yours renews my faith in todays writers. Youve written information I can lastly agree on and use. Thank you for sharing. 12420