DELTA VARIANT CASES SA PINAS, 1,789 NA

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa kabuuang 1,789 ang mga kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala pa sila ng karagdagan pang 516 bagong kaso ng Delta variant kahapon.

Ayon sa DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), bukod sa Delta variant (B.1.617.2), may natukoy rin silang bagong 73 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 81 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 P.3 variant cases, mula sa 748 samples na isinailalim nila sa whole genome sequencing.

Batay sa ulat, sa karagdagang 516 Delta variant cases, 473 ang local cases, 31 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 12 kaso pa ang biniberipika kung lokal o ROF.

Mula naman sa 473 local cases, nabatid na 114 cases ang nakatira sa National Capital Region (NCR); 24 ang taga-Ilocos Region; 32 kaso sa Cagayan Valley; 64 kaso sa Central Luzon; 79 kaso sa CALABARZON; 20 kaso sa MIMAROPA; 16 kaso sa Bicol Region; 13 kaso sa Western Visayas; 23 kaso sa Central Visayas; 12 kaso sa Zamboanga Peninsula; 48 kaso sa Northern Mindanao; 22 kaso sa Davao Region; at anim kaso sa Cordillera Administrative Region.

Base sa case line list, anim pa sa mga kaso ang nanatiling aktibo; lima ang nasawi at 505 ang nakarekober.

“The total Delta variant cases are now 1,789,” anang DOH.

Samantala, sa karagdagang 73 Alpha variant cases na natukoy, 71 ang local cases at dalawa ang ROF cases, at lahat sila ay nakarekober na.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,395 total Alpha variant cases sa bansa.

Sa karagdagan namang 81 Beta variant cases, nabatid na 78 ang local cases, dalawa ang ROFs habang isa ang biniberipika pa kung local o ROF case.

Base sa case line list, tatlo sa mga ito ang namatay at 78 ang nakarekober na.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,669 total Beta variant cases sa bansa.

Sa kabilang dako, ang 41 additional P.3 variant cases naman ay pawang local cases lamang, kabilang dito ang isang namatay at 40 nakarekober na.

Ayon sa DOH, bagamat ang total Alpha at Beta variant cases ay nananatiling pinakamataas sa bansa, patuloy ring dumarami ang naitatalang Delta variant cases sa mga komunidad, kaya’t patuloy nilang pinag-iingat ang mga mamamayan. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “DELTA VARIANT CASES SA PINAS, 1,789 NA”

  1. 17328 775742I think other web site proprietors really should take this web site as an model, very clean and great user friendly style and design, as well as the content material. You are an expert in this subject! 656295

Comments are closed.