UMAABOT na ngayon sa 627 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos na makapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 177 bagong kaso ng Delta variant hanggang nitong Huwebes, Agosto 12, 2021.
Batay na rin sa resulta ng huling batch ng whole genome sequencing na isinagawa ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), nabatid na bukod sa naturang mga bagong kaso ng Delta (B.1.617.2) variant cases, nakapagtala rin sila ng bagong 102 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 59 Beta (B.1.351) variant cases, at 14 P.3 variant cases.
Sa karagdagang 177 Delta variant cases, nabatid na 144 ang local cases, tatlo ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 30 kaso ang biniberipika pa kung local o ROF cases.
Sa 144 local cases naman, 90 ang mula sa National Capital Region, 25 ang mula sa CALABARZON, 16 sa Cagayan Valley, walo sa Ilocos Region, dalawa sa Cordillera Administrative Region, dalawa sa Western Visayas, at isa sa Davao Region.
Base sa case line list, 173 kaso sa mga ito ang nakarekober na, isa ang namatay, at tatlo ang hindi pa batid ang kinahinatnan.
Samantala, lumobo pa sa mahigit 1.7 milyon ang total COVID-19 cases sa bansa habang umakyat na rin sa mahigit 87,000 ang aktibong kaso ng sakit.
Nakapagtala pa ng 12,439 bagong kaso ng impeksiyon hanggang 4:00 ng hapon ng Huwebes.
Nakapagtala rin ang DOH ng 6,090 na bagong gumaling sa karamdaman. ANA Rosario Hernandez
445038 774995This web-site is really a walk-through rather than the information you desired concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and you will completely discover it. 843615
596209 745314I undoubtedly did not realize that. Learnt something new today! Thanks for that. 304644