NANINIWALA ang Department of Health (DOH) na ang posibleng ang Delta variant na nga ng COVID-19 ang dahilan o nasa likod ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa bansa nitong mga nakalipas na araw.
“Looking at our cases right now, it’s exponentially rising, so sa tingin po namin talaga Delta variant is driving the rise in the number of cases,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa isang panayam sa telebisyon.
Bukod dito, sinabi rin ni Vergeire na maaaring nakakadagdag din dito ang iba pang variants of concern gaya ng Alpha at Beta.
Paglilinaw naman ni Vergeire, hindi pa rin makumpirma ng DOH sa ngayon kung nagkakaroon na nga ng community transmission ng Delta variant sa bansa.
“Our whole genome sequencing cannot provide us that evidence yet that’s why we cannot officially pronounce, although as I’ve said, we now treat this as community transmission and we are acting towards that direction,” aniya.
Gayunman, inamin ng opisyal na ‘inevitable’ o hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng community transmission ng Delta variant sa bansa.
“I think so. That is our assumption because of the high transmissibility of this Delta variant,” aniya pa.
Una naman nang sinabi ni Vergeire na makatutulong ang ipatutupad na istriktong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20 upang maiwasang lumobo ng hanggang 15,000 ang naitatalang daily cases ng COVID-19.
“If we are going to continue on and we will not have these kinds of restrictions, we can reach up to 500,000 active cases by the end of September,” babala pa ni Vergeire.
Inaasahang sasamantalahin naman ng mga lokal na pamahalaan ang ECQ upang makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa isasagawang 24/7 vaccination sa rehiyon.
Sinabi ni Vergeire na malaking tulong ito upang maprotektahan ang mga mamamayan, gayundin ang healthcare system.
“Our objective and our hope will be, because we are going to ramp up vaccination, that we will be seeing less numbers of cases that will be classified as severe and be going to the hospitals. That is our main goal, that we can still preserve our health system,” aniya pa.
Base sa datos ng DOH, hanggang nitong Hulyo 28 ay nakapagtala na ang Pilipinas ng 216 Delta vases, 1,856 Alpha cases, at 2,146 Beta cases ng COVID-19. Ana Rosario Hernandez
88953 218748The the next occasion I read a weblog, I really hope so it doesnt disappoint me around brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing fascinating to state. All I hear can be plenty of whining about something which you could fix should you werent too busy searching for attention. 237622
803718 921924I like this weblog so much, saved to my bookmarks . 587722
627860 763274The vacation special deals offered are believed as a selection of possibly the most preferred and therefore within your budget all more than the globe. Quite quite a few hostels can be proudly located inside property which is accented who has striking seashores encouraging crystal-clear rivers, contingency of an Ocean. hotels compare rates 410150