DELTA VARIANT MAY COMMUNITY TRANSMISSION NA-WHO

MAYROON  nang community transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma kahapon ni World Health Organization (WHO) Philippines country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa isang pulong balitaan.

Ayon kay Abeyasinghe, ang Delta variant na nga ang maituturing na ‘dominant’ na variant ng coronavirus sa bansa.

“The information we have clearly shows that now, already, the Delta variant has emerged as the dominant variant,” ani Abeyasinghe. “With this kind of transmission, with these kinds of numbers, we are in community transmission of the Delta variant.”

Nabatid na ang community transmission ay nangangahulugan na mayroon nang clustering ng mga kaso ng sakit at hindi na matunton ang pinagmulan nito.

Samantala, sinabi pa ni Abeyasinghe na halos 70% ng mga samples na isinailalim sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa sa bansa ay nagpositibo sa Delta variant.

Nilinaw naman ng opisyal na wala pang nakikitang ebidensiya ang WHO na airborne ang Delta variant.

“The evidence we have is that the Delta variant, although more transmissible, is still largely transmitted in aerosols. It’s not an airborne transmission,” aniya pa.

Sinabi rin niya na ang pagsusuot ng dalawang face masks ay hindi rin garantiya na protektado na ang isang indibidwal laban sa Delta variant, lalo na aniya kung hindi naman maayos ang pagkakasuot ng mga ito.

“You don’t need double masking… what you need is diligence in following the minimum public health standards,” aniya pa.

Base sa pinakahuling tala ng DOH, umaabot na ngayon sa 1,789 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Delta varinat sa bansa.

Sa naturang bilang, 38 pa ang nananatiling aktibong kaso hanggang noong Agusto 27. Ana Rosario Hernandez

7 thoughts on “DELTA VARIANT MAY COMMUNITY TRANSMISSION NA-WHO”

  1. 929407 861874Hey! I just wish to give an enormous thumbs up for the very good information youve got here on this post. I will likely be coming back to your weblog for more soon. 281541

Comments are closed.