WALA pang naitatalang lokal na kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.
Ito ang nilinaw kahapon ng eksperto mula sa University of the Philippines (UP)- National Institutes of Health (NIH) na si executive director Dr. Eva Maria Dela Paz, sa isang Laging Handa press briefing.
Ayon kay Dela Paz, ang 17 kaso ng Delta variant na unang naiulat sa Filipinas ay pawang mga foreign travelers at wala ni isa man ang lokal na kaso.
“Lahat sila ay galing sa incoming international travelers. Wala pa pong tayong naitalang local cases as of our last sequencing,” ani Dela Paz.
Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Dela Paz na ang Delta variant ng COVID-19 ay 60% na mas nakakahawa kumpara sa Alpha variant, na 40% na mas transmissible kumpara sa regular variant ng COVID-19.
Aniya pa, ang mga pasyenteng infected ng Delta variant ay may mas malala ring kondisyon.
Sinabi rin ni Dela Paz na batay sa mga ulat, ang dalawang doses ng mga bakunang AstraZeneca at Pfizer ay nananatiling epektibo at nakapagbibigay ng proteksiyon laban sa COVID-19 ng 60% hanggang 80%.
Matatandaang ang Delta variant na unang nadiskubre sa India ay nagdudulot ngayon ng surge ng mga bagong COVID-19 cases sa ilang bansa na may mataas na vaccination rates. Ana Rosario Hernandez
656742 308320Read more on that Post.Valuable info. 85725
130298 436085Interested in start up a online business on line denotes revealing your service also providers not only to humans within your town, nevertheless , to numerous future prospects which are cyberspace on several occasions. pays day-to-day 328768
20954 809549Some really wondrous function on behalf with the owner of this internet site, perfectly wonderful subject material . 633674
610515 546683really good post, i undoubtedly enjoy this amazing internet site, persist with it 543574