DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng ulan, nagdulot ito ng pagbaha, pagguho at maging pagbibitak ng dam, umabot na sa 82,431 katao o 19,791 na pamilya ang napilitang manatili sa mga evacuation centers sa Northern Cagayan.
Ayon kay Francis Joseph Reyes, Information Officer of the Civil Defense (OCD) Region 2 na ang nasa loob mismo ng evacuation centers ay umaabot na sa mahigit sa 799 pamilya o 2,952 katao at maari pang madagdagan dahil sa patuloy na pag-ulan sanhi ng buntot ng cold front.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang preemptive evacuation sa mga mababang lugar sa lalawigan ng Cagayan dahil sa inaasahan na ang tubig na maaring manggaling sa lalawigan ng Apayao ay babagsak sa mga bayan ng Abulog at Ballesteros, Cagayan.
Halos lampas tao na ang lalim ng tubig sa mga barangay ng nasabing dalawang bayan.
Ang LGU’s Cagayan ay patuloy na tinututukan ang mga evacuee upang magbigay ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng baha, lalo na sa ilang lugar na sa Northern Cagayan na walang daloy ng koryente at ang ilang lugar ay nagkaroon na ng landslide o pagguho ng lupa.
Magugunitang dahil sa patuloy na pag-ulan ay tatlo na ang nasawi sa lalawigan sa Cagayan kung saan dalawa ang nasawi sa pagkalunod habang isa ang nakoryente habang isa rin ang nawawala na maaring biktima ng pagkalunod. IRENE GONZALES
Comments are closed.