DEMAND REDUCTION NG DROGA TARGETIN

IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na ‘demand reduction’ ang dapat targetin ng awtoridad upang tuluyang matuldukan ang problema ng bansa sa ilegal na droga.

Ayon kay Sotto, hindi maaaring laging isisi sa ‘supply issue’ ang problema ng bansa sa ilegal na droga.

Ipinunto ng senador, nakatutok nang husto ang awtoridad sa pagsugpo sa supply reduction gayung higit na mahalaga ang demand reduction.

Paliwanag pa ni Sotto, kahit pa maubos ng awtoridad ang iba’t ibang suplay ng droga tulad ng shabu, marijuana, cocaine, heroin, at designer drugs, hahanap at hahanap pa rin ng ibang matitira ang mga adik.

Ayon kay Sotto, maging ang mga cough syrup, contact cement, nubain at ilang mga over-the-counter drugs ay maaari ring maabuso ng mga drug dependent kung kaya’t dapat din na pagtuunan ito ng pansin ng awtoridad. VICKY CERVALES

Comments are closed.