POSIBLENG tumaas pa ang demand sa household services sa China sa mga susunod na taon.
Ito ay bunsod na rin ng mabilis na paglago ng ekonomiya ng China at pagtaas ng bilang ng mga mayayamang Chinese families mula sa upper at middle class.
Ayon kay ACTS OFW Partylist Rep. John Bertiz, mas mainam naman na magtrabaho ang mga Filipino sa China kumpara sa Middle East na may umiiral na Kafala system o sponsorship system na kadalasan ay nauuwi sa pang-aabuso at pagmamaltrato ng mga employer sa mga OFW.
Napag-alaman na lumobo pa sa 600,000 expatriates ang naninirahan at nagtatrabaho sa China mula sa mga bansang South Ko-rea, United States, Japan, Canada, Germany at France kung saan pinayagan ng gobyerno ng China na dalhin ang kanilang mga saril-ing household staff.
Humigit kumulang 200,000 ang mga Filipino domestic worker sa China na posibleng tumaas pa sa mga susunod na taon dahil sa pag_lobo rin ng mga expatriate na nangangailangan din ng kanilang serbisyo.
Bukod sa household services, tumaas din ang demand sa ‘nannies’ o yaya sa China dahil nais ng Chinese families na marunong sa Ingles ang tagapag-alaga o magiging private tutor ng kanilang mga anak. CONDE BATAC