DUMAGSA ang pila ng mga tao sa mga tindahan sa Bambang Street sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng umaga para bumili ng N95 mask sa gitna ng ashfall na dala ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Karamihan sa mga tindahan sa Bambang, isang lugar sa Maynila na kilala sa bentahan ng medical supplies and equipment, ay naubusan na ng N95 masks at natira na lamang ay ordinary face masks.
Ayon sa US Food and Drug Administration, ang N95 mask ay nagbibigay ng “a very close facial fit” at “very efficient” laban sa airborne particles.
Sinabi pa na ang ‘N95’ designation ay nangangahulugan na kapag ito ay nagkaroon ng maingat na testing, ang respirator ay nakapagsasara ng halos 95% ng pinakamaliit (0.3 micron) test particles.
Nagsabi pa ang isang buyer na dadalhin nila ang N95 masks sa kanilang kamag-anak sa Batangas.
Pahayag ng mga mamimili na may mga tindahan na nagbebenta ng N95 masks sa halagang P200 kada isang piraso habang ang ibang tindahan ay hindi nagtaas ng kanilang presyo at patuloy na ibinebenta ito sa P40 bawat isa.
1 BOX PER CUSTOMER
Samantala, isang drug store sa Metro Manila ang nagtalaga lamang ng isang kahon bawat tao noong nakaraang linggo, ayon sa report.
“Para po lahat kasi mapagbigyan lahat e. Lahat mapagbigyan po kasi. Kasi kung maramihan, ‘yung iba binebenta lang nila e, si-nasamantala nila ‘yung ibang presyo, kaya ‘yun. Isang tao, isang box ng face mask lang muna,” pahayag ng isang nagtitinda sa boti-ka.
Mabilis ang bentahan ng regular face masks sa drug stores na naubusan ng N95 masks. Ang mga tindahang ito ay nagtitinda sa halagang P300 para sa dalawang kahon.
Ang mga determinadong mamimili naman ay nag-ikot sa lahat ng botika sa paghahanap ng face masks, na ayon pa sa isang ma-mimili ay nag-ikot ng walong tindahan bago nakakita ng isang mask.
DRUGSTORE MAY BAGONG SUPPLY NG MASK, PRESYO ‘DI MABABAGO
Pahayag ng Mercury Drug na nakikipag-ugnayan sila sa suppliers para muling makapaglagay sa kanilang tindahan ng stock ng face masks matapos tumaas ang demand bilang proteksiyon sa ashfall dala ng pagsabog ng bulkang Taal at maubusan sila ng stock.
Bibigyan nila ng prayoridad sa distribusyon ng supply ang mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkan, pahayag ng pin-akamalaking drugstore sa bansa.
Dagdag pa, na mananatili ang presyo at hindi sila magtatago ng supply lalo na sa ganitong sitwasyon.
Nauna nang inihayag ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan na nakatanggap siya ng report na ang face masks ay naibenta sa halagang P200 mula sa P25 hanggang P30 bawat isa sa pagsabog ng bulkan.
Comments are closed.