INIREKOMENDA ni Atty. Neri Colmenares sa pamahalaan na hilingin sa China na magsagawa ng tuluyang demilitarization sa West Philippine Sea bago magkaroon ng pag-uusap.
Ito aniya ang dapat munang unahin upang magkaroon ng kapanatagan sa pag-uusap ng mga claimant ng mga karatig bansa.
Aniya, sa pagdaraos ng weekly Annabels Forum sa Quezon City, sinabi nitong may pitong military bases sa ngayon ang China sa lugar ng WPS na kanilang inilagay upang bantayan ang inaangking mga teritoryo ng Filipinas.
Aniya, bukas sa naturang panukala maging ang Vietnam na isa sa umaangkin. Kasunod nito ang pag-uusap sa United Nations (UN) para maresolba ang sigalot sa agawan ng teritoryo.
Kasunod nito, handang magmatyag ang kanilang bagong tatag na Concerned Lawyers for Civil Liberty (CLCL). BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.