ISANG grupo ng mga mangingisda ang nanawagan sa Navotas Regional Trial Court na ihinto ang tinawag nilang illegal na demolition ng umaabot sa anim na kilometro ng mussel farms o tahong sa Navotas City.
Nagsampa ang Pamalakaya-Navotas ng petition for prohibition and mandamus (with an application for the issuance of a temporary restraining order and status quo ante order and/or writ of preliminary injunction) sa regional trial court laban kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, acting city agriculturist Cheney Ville Gabriel, at Roberto Pascual ng City Business Permits and Licensing Office.
“We urgently call for a halt of these unlawful demolitions in light of these injustices. The LGU must adhere to proper procedures and protect the livelihoods that have sustained Navotas for generations, This is a fight for justice and the preservation of a community’s way of life….“Despite fishers’ willingness to comply with regulations, the LGU continues to deny renewal permits and wrongly categorize these productive fishing enterprises as unlawful,” ang nakasaad sa petition ng naturang grupo.
“Moreover, we assert that what the fisherfolk truly need is a genuine rehabilitation that restores the former vitality of Manila Bay, not projects the destroy livelihoods of thousands and harm the environment….The LGU’s misapplication of the Supreme Court’s 2008 Continuing Mandamus to justify these demolitions is a gross distortion. The Mandamus was never intended to dismantle fish farms that significantly contribute to marine productivity and national food security,” ang nakasaad sa petition.
Hiniling din ng naturang grupo ng mangingisda sa korte na ipag utos sa mga nasasangkot sa demolition na ibalik sa dating ayos ang dinemolis na mussel farms.
Hiling ng mga naturang petitioner na aprubahan ng korte ang kanilang writ of prohibition and mandamus.
Ang naturang 650-hectare reclamation na balak umanong ilagay sa Navotas Coastal Bay Reclamation Project ay isang joint venture project ng Navotas sa Argonbay Construction Company, Incorporated. Ito ay matapos suspendihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos,Jr. ang reclamation project sa Manila Bay ng 2023 habang nagsasagawa ng impact assessment ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa naturang proyekto.
Samantala, nagsagawa naman ng mass action ang Pamalakaya sa Makati ngayong Biyernes upang kondenahin ang isasagawang pag -aaresto ng China sa mga ituturing nitong tresspassers sa West Philippine Sea (WPS) sa bahagi ng teritoryo ng Pilipinas simula ngayong Hunyo 15.
Ito ay sa gitna ng pangamba at takot na idinulot nito sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.
Inilarawan ng Pamalakaya na ang balak na ito ng China ay illegal .
Sa regulation aniyang ito ng China pinapayagan nito ang Chinese Coast Guard (CCG) na ikulong ang mga aarestuhin nito ng maximum 60 araw nang walang trial o paglilitis. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia