DEMOLITION VS ILLEGAL FISH CAGES UMARANGKADA

CAVITE – SINIMULAN na ang clearing operation ng Manila Bay Inter-Agency Task Force sa pangunguna ni DENR Usec. Benny Antiporda laban sa mga illegal structure fish cages/safras sa karagatang sakop ng Cavite City kahapon ng umaga.

Gumagapang pa lang ang sikat ng araw sa kalangitan ay bumuo ng ilang pangkat ang MBIATF kabilang na ang 20 task force ng Phil. Coast Guard personnel, 1 K9 team ( EDD), 15 PCG personnel mula sa MARSLEC at mga PNP Maritime Group na lulan ng 4 PCG land vehicle, 3 PCG RHIBs, 4 PCG jetskis, 2 PCG Cavite ABs at mga motorbangka.

Kabilang din sa nakiisa at sumama sa clearing operation ay ang iba’t ibang television netwoth tulad ng TV5, GMA7, PTV 4, UNTV, ABS-CBN, mga photographer mula sa Manila Times, Manila Standard, at Pilipino Mirror.

Pakay ng grupo na baklasin ang 21 illegal fish cages na sinasabing binigyan ng palugit ang mga may -ari ng fish cages/sapras na mag-self dismatle dahil sa walang kaukulang permit mula sa LGU at DENR subalit binalewala nito ang itinakdang araw ng babala.

Tatagal ang clearing operation ng law enforcement team ng DENR, PCG, at PNP Maritime Group laban sa mga illegal structured fish cage sa loob ng 3 araw simula kahapon hanggang Nobyembre 6, 2021.

Sinusunod lamang ng Manila Bay Inter-Agency Task Force na mag-clearing operation base sa Supreme Court ruling sa 13 government agencies kaugnay sa Writ of Mandamus in the prevention of Manila Bay Pollution at RA 9993 (Phil. Coast Guard law of 2009) about the removal of floating hazards to navigation, including illegal fish structures and vessels, at or close to sea lanes which may cause hazards to the marine environment. MHAR BASCO