BUMABA ng 48% ang naitatalang dengue cases sa Filipinas sa unang kalahatian ng taong 2021.
Ayon kay Dr. Ailene Espiritu ng Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nakapagtala lamang sila ng 27,930 dengue cases.
Mas mababa aniya ito ng 48% kumpara sa 53,866 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong taong 2020.
Samantala, mayroon namang 104 indibidwal na namatay dahil sa dengue hanggang nitong Hunyo 5.
Ito ay 43% na mas mababa rin sa 183 na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2020.
Ipinaliwanag naman ni Espiritu na bumaba ang mga kaso ng dengue ngayong taon dahil ang mga tao ay namamalagi sa kanilang mga tahanan dahil sa pandemic.
“Ito ay dahil ang mga tao ay mas namamahalagi sa kanilang mga tahanan. Mas napaigting ang water and sanitation hygiene,” ani Espiritu, sa isang Laging Handa press briefing.
Samantala, tinukoy rin ni Espiritu ang tatlong rehiyon sa bansa na nakapagtala ng pinakamaraming mga kaso ng dengue.
Kabilang dito ang Central Luzon na may 8,925; Calabarzon na may 3,111; at Ilocos na may 2,910. Ana Rosario Hernandez
726911 416520I conceive this web web site contains some rattling fantastic info for every person : D. 385010
171839 969370I like what you guys are up too. Such smart function and reporting! Carry on the superb works guys I?ve incorporated you guys to my blogroll. I believe it will improve the value of my web internet site 879578
53744 707876Yay google is my world beater assisted me to find this wonderful web site! . 686624
229368 560618Cheers for this excellent. I was wondering in case you were thining of writing similar posts to this 1. .Maintain up the excellent articles! 189178