DENGUE CASES BUMABA SA CALABARZON

DENGUE

INIHAYAG ng Department  of Health (DOH)- Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na nakapagtala sila ng mas mababang dengue cases sa kanilang rehiyon ngayong taong ito.

Ito ang inilahad ng DOH-Calabarzon sa ginanap na Regional Consultative Meeting and Updates on Vector-Borne Disease Pro-gram para sa Provincial and City Coordinators na idinaos sa BSA Twin Towers, Ortigas Center, Mandaluyong City.

Lumilitaw sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) na kabuuang 5,616 kaso ng dengue ang naitala nila sa rehiyon mula Enero 1, 2019 hanggang Marso 16, 2019  at 18 sa mga ito ang binawian ng buhay.

Mas mababa naman ito ng 1% kumpara sa naitalang 5,603 dengue cases sa kaha­lintulad na panahon noong nakalipas na taon.

Ayon sa DOH, ang Cavite ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng sakit na umabot sa 1,788; sinundan ng Batangas na may 1,248 kaso; Laguna na may 1,135; Quezon na ma 823 at Rizal na may 622 dengue cases.

Kabilang naman sa top 10 cities at municipalities na may pinakamaraming kaso ng dengue sa rehiyon ay ang Dasmariñas (339), Lipa City (276), Bacoor (261), Batangas City (255), Calamba City (239), Imus (218), Lopez (217), San Pablo City (203), Tanauan City (176) at General Trias (171).

Ang mga tinamaan ng sakit ay nagkakaedad ng isang buwang gulang hanggang 100 taong gulang.

Karamihan sa mga nagkasakit ay mga lalaki, na umabot sa 2,990 cases o 53%.

Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, patuloy ang monitoring nila, katuwang ang mga local government unit, sa mga naitatalang kaso ng sakit.

Aniya, lahat ng logistics ay kasado na sakaling magkaroon ng biglaang pagdami ng sakit.

“We have deployed Regional Vector Control Spraymen to barangays with high incidence of Dengue cases and also trained sani-tary inspectors and spraymen of Laguna and the top 10 municipalities/cities with dengue cases on the preparation and application of insecticides for Dengue control such as misting/fogging and residual spraying, for outbreak response,” ani Janairo.

“We are already making rounds in the provinces to ensure that Dengue Fast Lanes are established and functional in all hospitals, and also to ensure that Dengue NS1-RDT are available to all health centers and public hospitals to be used for the early detection of dengue disease,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, hinikayat rin nito ang mga LGU na paigtingin at ipagpatuloy ang implementasyon ng Enhance 4S-Strategy o ang Search and destroy mosquito breeding sites, Secure self-protection, Seek early consultation at Support fogging/spraying upang maiwasan ang banta ng outbreak ng nasabing sakit.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.