DENGUE CASES NAITALA SA 17 BARANGAY SA BAGUIO

dengue

BAGUIO CITY – LUMUBO na sa 61 porsi­yento ang kaso ng Dengue sa 17 barangay sa Baguio City kung saan apat na ang namatay simula noong Enero 1 hanggang Setyembre 9, 2019.

Ayon sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit, umaabot sa 474 katao o 54.9 porsiyento ang tinamaan ng dengue simula noong Enero 2019 kumpara noong 2018 sa kaparehas na buwan na may 294 kaso ang naitala.

Base sa tala ng hepe ng CESU at coordinator ng Dengue Program na si Dr. Donnabel Tubera, unang namatay ang 81-anyos na lolo  mula sa Barangay East Modernsite kung saan ginamot sa SLU Hospital ng Sacred Heart noong Mayo 2019.

Samantala, namatay rin ang 62-anyos na lolo mula sa Barangay Manuel A. Roxas kung saan 4-araw namalagi sa Baguio General Hospital and Medical Center noong Mayo 1, 2019.

Gayunman, binawian din ng buhay noong Agosto 2, 2019 ang 54-anyos lola ng Barangay Holyghost Proper matapos ang pamamalagi sa BGH habang ang 9-anyos namang totoy ng Barangay Irisan ay namatay noong Setyembre 1 matapos makipaglaban sa dengue virus ng 10 araw sa BGH.

Kasalukuyang mino-monitor ng awtoridad ang mga Barangay AABCR, Pinsao Proper, Loakan Proper, Camp 7, Honeymoon-Holyghost, Ba-rangay Asin road, Bakakeng Cnetral, St. Joseph Village, Irisan, San Luis Village, LIwanag-Loakan, Barangy Holyghost Ext., Middle Rock Quarry, Aurora Hill Proper, Dontogan, Lopez Jaena at ang Barangay Sto. Tomas Proper. MHAR BASCO

Comments are closed.