DENGUE OUTBREAK IDINEKLARA SA 4 NA BAYAN

DENGUE

ISABELA – APAT na bayan sa lalawigang ito ang nagdeklara ng dengue outbreak.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Luna, Cabatuan, Quezon at Naguillian, dahil sa patuloy na nakapagtatala ang Isabela Provincial Health Office (IPHO) ng mga nagkakasakit ng dengue.

Bago pa man magkaroon ng dengue awareness day sa Isabela noong buwan ng Agosto ay mayroon nang 1,214 na kaso ng nasabing sakit ang naitala ng IPHO.

Ayon kay Dr. Nelson Paguirigan, Provincial Health Officer 2 ng Isabela na batay sa kanilang datos ay mayroon na silang 1,740 suspected dengue cases.

Samantala,  base sa datos ng IPHO ay nangunguna ang Ilagan City, pumapangalawa ang Echague sumunod ang Cauayan City, San Mariano at Benito Soliven ng nasabing lalawigan.  REY VELASCO

Comments are closed.