DENGUE OUTBREAK PINANGANGAMBAHAN

ZAMBOANGA CITY-MAKARAAN ang dalawang taong balot ng takot laban sa COVD-19, dengue naman ang pinangangambahan sa lalawigang ito.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ng dengue outbreak sa nasabing lungsod.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Health ang deklarasyon at ngayon ay kanila nang tinutugunan ang outbreak sa mga kaso sa Zamboanga Peninsula.

“These include dengue preventive measures meant to stop the disease vector, which is the Aedes aegypti mosquito. The public is being advised as to the risks, and what actions they can do to protect against the disease,” ayon sa pahayag.

Kaya’t upang ma-address ito ay nagkaroon ng fast lanes at separate rooms sa mga ospital.

“There are also Dengue Fast lanes and Separate Rooms in hospitals for those who will fall ill. Insecticide treated curtains and screens are likewise being used in health facilities of the region.”

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na sundin ang 4S against dengue gaya ng mga sumusunod:
• Search and destroy mosquito-breeding sites
• Self-protection measures
• Seek early consultation of symptoms; and
• Support spraying/fogging to prevent further outbreaks

Gayundin, para sa iba pang katanungan at paglilinaw maaring lumapit ang publiko sa DOH Zamboanga Center for Health Development (CHD) sa mobile (0947-646-7663), (0995-844-1783); o landline (+63-62-983-0314). EUNICE CELARIO