HINDI lang tigdas ang pangunahing minomonitor ngayon ng Department of Health (DOH), maging ang dengue na rin.
Kahapon ay nagdeklara na ng dengue outbreak si Kawayan, Biliran Mayor Rodolfo Espina Sr. dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng sakit sa lu-gar.
Mula noong Martes, nasa walumpu’t isang kaso na ang naitala sa sampung barangay sa probinsya.
Sinabi ni Municipal Health Officer Dr. Christine Balasbas na pinakamarami sa Barangay Mapuyo na may 42 kaso ng dengue.
Sumunod sa nasabing bilang ang Barangay Tucdao na mayroong labing-dalawang kaso ng nasabing sakit.
Pinawi naman ni Balasbas ang pangamba dahil napigilan naman sa kapahamakan ang ilang pasyente dahil marami aniya ang gumaling sa walumpu’t isang kaso.
Sa ngayon, labing-limang pasyente pa ang nananatili sa Rural Health Unit.
Ipinag-utos na rin ng nasabing opisyal ang malawakang paglilinis sa kapaligiran para puksain ang mag lamok na nagdudulot ng dengue. AIMEE ANOC
Comments are closed.