DENGUE POSIBLENG MAIHAWA – DOH

POSIBLE  umanong maihawa sa pamamagitan nang pakikipagtalik ang sakit na dengue.

Ang kumpirmasyon ay ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng ulat na isang lalaki  mula sa Madrid ang nagkaroon ng dengue matapos na makipagtalik sa isang male partner na dinapuan ng virus matapos na bumiyahe sa Cuba.

Paglilinaw naman ni Duque, bagama’t posible, ‘rare’ o bihira lamang ang ganitong mga pangyayari.

Ipinaliwanag rin niya na ang dengue virus ay maaaring manatili sa semen ng isang lalaki sa loob ng 37-araw at 23-araw naman sa ihi at dugo ng taong dinapuan nito.

Maaari rin aniyang naihawa ang sakit dahil sa unprotected sex.

Samantala, nilinaw rin ni Duque na wala pang bagong strain ng dengue virus at pinayuhan ang publiko na ma­ging maingat upang hindi dapuan ng nakamamatay na sakit. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.