SA WAKAS ay nagdesisyon na rin ang Food and Drug Administration (FDA) na i-revoke na ang certificate of product registration na nauna nang inisyu ng FDA. Agree tayo riyan 100%.
Hindi na puwedeng mag-import, magbenta at mag-distribute ng Dengvaxia. Salamat naman.
May mga personalidad na nakasuhan na rin na may kaugnayan diyan sa experimental vaccine na ‘yan. Para sa taumbayan, nararapat lamang na iku-long na at parusahan ang mga nagpilit na isaksak ang Dengvaxia sa higit sa 830,000 na mga mag-aaral na Filipino.
Sinamantala ng mga ito ang kahirapan ng mga Filipino upang magamit na pag-eksperimentuhan ng gamot na naka-mamatay. Higit sa 800 na ang na-mamatay na mga bata na iniimbestigahan at hinihinalang kagagawan ng Dengvaxia.
Hindi alam ng mga batang nasaksakan ng Dengvaxia at ng kani-kanilang mga pamilya na mapanganib ang experimental vaccine na ito para sa mga taong hindi pa nagkaka-dengue o sa mga seronegative individuals.
Ito naman ay inamin ng kompanyang manufacturer ng Dengvaxia, ang Sanofi Pasteurs, na inanunsiyo nito noong Nobyembre 2017 na makasasama ang Dengvaxia at maaaring magdulot ng nakamamatay na severe dengue at iba pang severe diseases sa mga natuturukan na hindi pa nagkaka-dengue o mga seronegative individuals.
Kaya naman agad-agad ding ipinullout ng Department of Health ang nasabing nakamamatay na vaccine mula sa merka-do matapos malaman ito.
Ang World Health Organization ay nagbabala na rin ngayong taon, na inirerekomendang maghanap ng mas ligtas na pamamaraan sa pag-administer ng Dengvaxia dahil na nga rin nakamamatay ito para sa mga hindi pa nagkaka-dengue.
Sinabi rin ng WHO na maghinay-hinay sa pagte-testing ng mga inaaral na vaccine sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue at sa mga nagka-roon na, at mas maiging i-test muna ang mga ito para malaman kung sila nga ba ay seronega-tive o hindi bago i-administer ang nasabing nakamamatay na gamot.
Ito’y bunsod na rin ng ginawa nina Noynoy, Garin et al na pagtuturok sa higit sa 800,000 na mga mag-aaral sa elemen-tarya na naglagay sa kanilang mga buhay sa kapahamakan, ang iba nga’y namatay na.
Samantala ayon sa ilang observer, malaking scam ang naunang claim ng Sanofi na ang Dengvaxia ay epektibo para sa mga batang nagkaroon na ng dengue, sa kadahilanang bakit pa ituturok ito sa mga batang nagkaroon na ng dengue kung magaling na ang mga ito?
“When a child survives a Dengue infection, that could only mean that his autoimmune system has adequately devel-oped enough antibodies against it. Ergo, no more Dengue vaccination is needed,” pahayag ng isang observer.
Comments are closed.