NANINDIGAN ang Department of Health (DOH) na hindi sagot ang pagbibigay ng Dengvaxia vaccine sa dumaraming bilang ng nagkakasakit ng dengue.
Paliwanag ni Health Undersecretary Eric Domingo na hindi ito epektibo sa lahat ng tao, kundi dapat lamang na ibigay sa mga tinamaan na ng den-gue noon.
Kamakalawa ay nagdeklara ang DOH ng National Dengue Epidemic dahil sa paglobo ng dengue cases.
Sa pinakahuling tala, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa kabuuang 142,062 dengue cases sa bansa ang naitala mula Enero hang-gang Hulyo 20 lamang.
Ang naturang kabuuang bilang ay 98% na mas mataas sa kahalintulad na petsa na naitala sa nakaraang taon.
Sa naturang bilang, umabot ng 642 ang namatay o may .04% case fatality rate, na aniya’y napakataas.
Pinakamaraming naitalang kaso sa Western Visayas, na may 23,330; sumunod ang Calabarzon na may 16,515; Zamboanga Peninsula na may 12,317; Northern Mindanao na may 11, 455 at Soccsksargen na may 11,083.
May pitong rehiyon naman ang lumampas na rin sa epidemic threshold ng dengue sa kanilang rehiyon sa loob ng nakalipas na tatlong linggo, ka-bilang ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Ang iba namang rehiyon ay lumampas umano sa alert threshold level, kabilang ang Ilocos, Central Visayas, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“The total number of cases nationwide for the 29th morbidity week alone representing the period July 14 to 20, is 10,502 cases. And this is 71% higher compared to the same period in 2018, where there 6,128 reported,” ani Duque.