DENGVAXIA PROBE ‘DI HAHARANGIN NG PALASYO

Atty Persida Rueda.jpg

HINDI pipigilan ng Palasyo ng Malakanyng  si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta sa gagawin nitong pag-iimbestiga sa isyu ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar,  iginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng PAO na ha­bulin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng palpak na vaccination program ng nagdaang administrasyon na sinasabing dahilan ng pagkamatay ng maraming bata.

Kasama sa mga kinasuhan  sa pagbili at pagturok ng Dengvaxia si dating Pangulong Noynoy Aquino, dating DOH Secretary Garin, Budget Secre-tary Butch Abad at ma­rami pang iba.

Sinampahan din ng kaso ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at local drug distributor na Zuellig Pharma.

Una nang inihayag ni PAO Chief Atty. Percida Rueda-Acosta na napatunayan nila ang link o ugnayan ng mass vaccination at pagkamatay ng mga biktima na hindi lamang nagkataon.

Binigyang diin nito na kahina-hinala ang pagbakuna dahil hindi dapat mamatay ang mga batang malusog na naturukan ng Dengvaxia.

Kabilang sa mga ikinaso ay  reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa ilang bahagi ng anti torture act of 2009.

Matatandaang, nagsisihan sina Acosta at Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa umano’y outbreak ng measles o tigdas sa iba’t ibang lugar sa Filipinas.

Una nang iginiit ng PAO chief na hindi dapat na isisi sa Dengvaxia ang pagdami ng mga batang dinapuan ng tigdas.

Comments are closed.