MARAMING kinilig, lalo na ang JenDen fans sa sunod-sunod na posts nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nang sabay silang nag-celebrate ng birthday nila sa Balesin Island sa Quezon province. Jen turned 31 na last May 15 at si Dennis naman 37 na last May 12.
Sa isang post kasi ni Dennis sa IG na pasan niya sa likod si Jen sabi niya: “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sa iyo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito.” At tinawag naman ni Jen ng ‘mahal’ si Dennis.
Pero hindi lamang sa kanyang lovelife masaya si Jen but sa success din ng bago niyang epidemic serye sa GMA7 na “The Cure.” Kung may mga nagsasabing baka six weeks lamang tumagal ang kanilang serye, ngayon ay pumapalo na ito sa rating at magaganda ang feedback at nagiging trending topic sa social media. Kamakailan nga lamang ay napili sila bilang isa sa Top 10 in the Social With List for April kasama ng ibang international shows, at number 4 sila sa list of “most talked about shows in social media” nang makakuha sila ng 46,000 tweets noong pilot episode nila last April 30 na sinubaybayan talaga ng netizens.
“Thankful po kami dahil sa mga natatanggap naming feedback kung ano ang mga susunod na mangyayari dahil excited na sila na gabi-gabi may mga lumalabas na infected at naghahasik na ng takot sa ibang tao,” sabi ni Jen. “Then pumapasok pa rin ang pagmamahal bilang isang pamilya nina Greg (Tom Rodriguez), ako as Charity at ang daughter naming si Hope na ang husay-husay umarte ng bagets. At siyempre, si Ms. Jaclyn Jose, na napakabait at understanding na si Dr. Evangeline Lazaro. Maraming salamat din sa comment nila sa social media na “The Cure” is #WalkingDeadFeelings ang #NotYourAverageLoveStory.”
Mga kaiinisan naman ang characters nina Ronnie Henares, Jay Manalo at Mark Herras, kagigiliwan naman ang mahinahon na characters nina Ken Chan at Arra San Agustin at ang pagiging kontrabida ni LJ Reyes na hindi maitago ang pagmamahal niya kay Greg.
Napapanood gabi-gabi ang “The Cure” after ng “24 Oras.”
KAMBAL KARIBAL KINABOG ANG KATAPAT NA SERYE
BALITANG extended pa raw hanggang August, 2018 ang pinag-uusapang serye ng GMA7 na “Kambal Karibal” dahil lalong tumataas ang rating nila gabi-gabi at natataasan nila ang rating ng katapat nilang teleserye. Although nawala na ang character ni Teresa, si Jean Garcia, sabi ay may mawawala pa ring character. Ang inaabangan ngayon ay kung ano ang mangyayari sa kaluluwa ni Crisel (Pauline Mendoza) na naagawan ng katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).
Bait-baitan si Marvin Agustin as Raymond pero patalikod ang kasamaan niyang ginagawa. Hinihintay na rin ang pagkagising sa coma ni Allan (Alfred Vargas) ngayong nakabalik na siya mula sa vacation nila abroad ng kanyang pamilya.
Abangan natin ang mas maiigting na eksena kung paano ipagtatanggol ni Crisan (Bianca Umali) ang inaakala niyang kapatid na si Crisel pero si Cheska na pala ang kasa-kasama nila ng inang si Geraldine (Carmina Villarroel).
Napapanood ang “Kambal Karibal” gabi-gabi after ng “The Cure.”
Comments are closed.