DENNIS PADILLA IBINULGAR NA DINEDEDMA NA NI GERALD ANDERSON

IPINAGTAPAT  ni Dennis Padilla sa show ni Kuya Boy Abunda na hindi na raw hotshotssinasagot ni Ge­rald Anderson ang kanyang mga text messages lately.

“Parang  naka-apat  na text na ‘ko  dun, hindi siya sumasagot,” pagbubulgar  ni  Dennis kay Kuya Boy sa Tonight With Boy Abunda na nailabas last Wednesday night.

“Eh, dapat, sagutin mo naman ‘yung text ko,” mensahe pa ni Dennis para kay Gerald.

Matatandaang nagkausap na sina Dennis at Gerald noong pumutok ang controversy  ng actor at anak na si Julia Barretto.

Hindi rin naitago ni Dennis na talagang nagagalit siya kapag naba-bash  sa social media ang anak kaya pinayuhan niya ito na magbakasyon muna sa socmed.

“May pagkakataon  na ‘yung mga namba-bash kay Julia, gusto kong isa-isang puntahan sa bahay at gulpihin,” seryosong say ni Dennis.

“Tatay ako, eh. Eh, minsan, may mga taong parang hindi ako nauunawaan, parang ang basa nila, `o, sumasakay ka pa doon  sa gulo ng anak mo.`  Hindi, hindi ako sumasakay. Anak ko ‘yun, eh. Hindi ko kaila­ngang  sumakay,”  aniya.

Well, sana muling bumalik  ang ningning ng showbiz career ni Julia matapos ang controversy na pinagdaanan nito.

Hanggang patuloy na dedma pa rin ang dalawa (Julia at Gerald) sa tunay na namamagitan sa kanila ay patuloy na lulubog ang kani-kanilang showbiz career.

GABBI GARCIA NAKAALALAY KAY JULIA BILANG KAIBIGAN PERO PRIORITY ANG BF

HINDI  nakaligtas si Gabbi Garcia sa ginanap na grand presscon ng kanyang bagong GABBI GARCIAser­yeng Beautiful Justice nang tanungin ang pinagda-daanan ng kanyang kaibigan na si Julia Barretto.

Hindi naman naging maramot si Gabbi at sinabi na hindi pa raw sila nagkakausap ni Julia simula nang pumutok ang controversy. Pero kapag kailangan daw siya ng kaibigan ay nandiyan lang siya.

“I`m  here as a friend. If she needs someone  to cry  on…I`ve  been texting  her, checking on her and basta, anytime she needs someone  to listen to her, talk to her, I`m here.

“Pero as of now kasi, we have to give her some space, eh. I also don’t know  kung  ano ang situation niya ngayon. I really don’t  know the  exact thing that  happened. Basta, I`m here as a friend,” pahayag ni Gabbi.

Ayaw  naman daw niyang magtanong ng mga personal na bagay at nababasa na lang daw niya ang mga issue ng kaibigan.

Pero hindi nakaligtas tanungin si Gabbi kung team Julia ba siya or team Bea Alonzo  or team Ge­rald Anderson. Ang sagot niya ay team ng boyfriend niya na si Khalil Ramos.

“Dyowa ko lang po, mahal na mahal ko dyowa ko, wala akong stress,” say ni Gabbi.

Sa Beautiful Justice ang lalabas na boyfriend niya ay gagampanan ni Derrick Monasterio na isang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) agent na namatay.

Makakasama niya sa seryeng Beautiful Justice na magsisimula sa September 9 sina Bea Binene at Yasmien Kurdi, Bing Loyzaga, Victor Neri, Gil Cuerva at Valeen Montenegro sa direction ni Mark Reyes.

Comments are closed.